Maralita: Visualizing the Struggles of the Working Class

Lorebert “Maralita” Comision is a multi-media artist from Northern Samar. His works explore the realities around him, and the persistence to create despite being bound in a place that for others may limit the creation of art. Taking inspiration from the social realists, he presents his view of the world. Often his human figures are bent and contorted to fit the frames. His compositions are replete with Filipino iconography as evident in his solo exhibition “Ongaaa!!!” (Altro Mondo, July 2021), he relates to the carabao as a symbol of hard work.

Coming from Samar, Maralita studied Fine Arts at the Adventist University of the Philippines in Silang, Cavite. He started exhibiting his works in 2016 and in 2021 he attended an Art Residency at Linangan (also in Cavite).

Thrive Art Projects talked to him about his art and his experience being an artist from Samar.

Where is home? Tell us where you are from.

Ako’y tubong Catarman sa Northern Samar. Dito ako namulat sa buhay, dito na ako nag aral ng elementarya at kolehiyo pero di ko natapos dahil sa isang karamdaman at napatigil.

What are the challenges of being an artist working in the region?

Dito medyo mahirap. Di pa ganon kabukas ang pagtanggap sa sining. Para sa karamihan ang paglikha ay pagpapakita lang ng kakayahan at galing. Kadalasan ay portraiture at kung ano ang popolar na porma sa mainstream at social media. Kulang sa mga palihan o workshop at mga iba pang programa na nakaugnay sa sining na makakatulog din sa mga usaping panlipunan, o makapag pamulat sa mamamayan. Mahirap din sa mga supply ng kagamitan, pero hindi naman talaga malaking usapin ang kagamitan/medium. Maraming paraan kung tutuusin. Higit sa lahat siguro yung laging napopolitika ang mga proyektong binubuo ng ilang artist.

What were the important lessons that you learned through residencies?

Lumuwas ako ng Cavite para mag aral ng Fine arts pero di ko na din natapos. Di ko na kinaya lalo nung pandemic dahil working student ako, nag simula kong matuklasan ang Linangan nung nag volunteer ako sa Art Relief Mobile Kitchen dahil sa Linangan din ang set up during Taal crisis. Inisip kong mag intern doon kung maipagpatuloy ko ang pag aaral pero hindi nangyari na makapag patuloy. Pero mabuti ang Maykapal at inimbitahan ako ng Linangan na mag apply ng Residency.

Marami akong natutunan sa loob ng dalawang buwan. Doon lumawak ang pagtigin ko sa sining at pag tanggap sa kasaysayan. Hindi pa ganon kabuo ang modules ng Linangan noon kaya nakakatuwa kasi kasama ako habang binuboo iyon. Paulit-ulit na inaaral ang art history hindi para mapamilya kundi upang maunawaan ang kahalagahan noon sa panahon nila maging sa kasalukuyan. Ganon din sa mga pilosopiya. Sa Linangan ko din natutunan yung disiplina sa oras. Dati kasi sanay ako mag trabaho ng gabi hanggang madaling araw, sa Linangan bawal mag puyat 10:30 lights off na. Bawal din bisyo dun inom at sigarilyo at droga( pero wala naman ako bisyo). Doon din nabago yung pacing ko sa pagpipinta. Dati weeks or months bago makabuo ng pyesa, tinuruan ako na subukan mag drawing base kumpara sa komopya sa mga larawan. Nagustuhan ko yung ganitong proseso. Malaking tulong din yung may mentor like Sir Manny Garibay. Tapos yung may critiquing ng mga trabaho to improve tawag namin dun Show and Tell.

Tapos doon kami ang nag luluto ng pagkain. Di na bago sakin yun sanay ako sa mga gawaing ganon, pero iba ang impact na kasama ka sa community ng mga creatives. Matututo kang mag kusa ng mga gawain dahil ganon ang mga tao sa Linangan.

Ang pinakamalaking aral pa siguro sa akin ay yung maunawaan na ang ginagawa mong sining ay hindi dapat nalalayo sa personal mong karanasan. Napaka holistic ng progama sa Linangan, hindi ka lang tuturuan sa craft mo kundi tuturuan kang maging artist at maging ganap na tao.

What inspires your artworks?

Yung buhay mismo. Kung mapapansin ay mga masikip ang aking mga gawa. Dahil gusto kong maramdaman ng tumitingin yung ganon at mag-iwan o magbuo ng tanong sa isip nila. Hindi lang passive. Dahil sa aking pananaw karamihan saatin o di kaya lahat ay nakakulong sa ibat ibang paraan — ideology, system, beliefs at iba pa.

Yung mga ibon malaya sila, ngunit kung mahuli ng mga silo, ay ninanasang makaalpas, at doon lang nila mauunawaan na mahalaga ang maging malaya. Ganon din ang mga tao. Dahil sa akin mahalaga ang kalayaan hindi lang sa pisikal kundi sa kabuoan. Ito ang ibinigay ng Maykapal na tayo ay maging malaya.

LR: HAGPAT, 24in x 30in, oil on canvas; KSYSYN, 65cm x 55cm, oil on bristol board; TAGNA, 24in x 18in, oil on canvas, 2022

The themes in your artwork seem to discuss the plight of the working class, are there any social realist Filipino artists who inspired you?

Opo meron,madami din akong hinahangaang local artists. Uunahin ko ang tatlong magkakaibigan Garibay, Justiniani, at Borlongan; at si Alfredo Esquillo,Renato Habulan, at Dengkoy Miel. Si Ang Kiokok gusto ko din yung mga composition nya. Marami pang iba.

Do you have an advocacy that is attached/related to the themes of your artworks?

Nagsisimula palang ako sa career na ito. Wala pang sapat na ibubuga siguro. Pero may sinimulan akong Proyekto sa kasalukuyan, ang Padyak, Aklat at Pagmulat. Bilang artist at siklista, pumadyak kami mula Linangan sa Alfonso, Cavite papunta dito sa Northern Samar upang mag lunsad ng book giving at art workshop sa iilang mga lugar dito sa probinsya. Kung loloobin ng Maykapal na sana ay mag tuloy itong adbokasiya.

Maralita and young artists from Samar.

Maralita is also focusing on another advocacy in Samar. He calls the initiative Badlis Ibabao, which aims to bring art closer to the public. The artist says he just finished doing workshop for the young artists.

Thrive Art Projects starting another interview series of artists working in the regions. If you want to nominate an artists in your area, email the editors at thriveartorg@gmail.com.

- Advertisement -spot_img

Related Posts

Related Artworks

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here